ANG PRANSIYA

 


                           ANG PRANSIYA
    Ang France o Pransiya, ay isang bansa na matatagpuan sa bahagi ng Unyong Europeo (EU). Kabilang ito sa mga malalaking bansa sa Europa, at ito ang pangatlo, ang Pransiya ay isang demokratikong bansa at ang kabisera nito ay Paris. Ang salitang Pransiya ay hango sa salitang Latin na Francia, na ang ibig sabihin ay "Lupain ng mga Prangko." 

WIKA
      Ang Prances o sa ingles ay "French," ay isang wika na nagmula sa Pransiya. Ayon sa Konstityusyon ng Pransiya, ang wikang Pranses ay naging opisyal na wika ng Pransiya mula noong 1992. Noong 1999, ito ay ang ikaw-11 na pinakamalaking bilang ng tagapagsalota sa buong daigdig. Ito ay ginagamit ng higit-kumulang 77 na milyong tao bilang pangunahing wika, at 128 milyon na tao ang tinatanggap ito bilang pangalawang wika. Ang 88% ng Pransiya ay Prances ang wikang ginagamit, habang ang 3% naman ay wikang Aleman ang ginagamit. Ang mga mananalira ng wikang Pranses ay tinatawag ding "Francophone" sa wikang Ingles at Pranses. 

                             KULTURA
     Ang kultura ng Pransya ay iba’t iba dahil sa mga wika, relihiyon, kaugalian, pagkain at kasaysayan kaya ang bansang Pransya ay kawili-wili at natatanging kakaiba. Ang mga relihyon ng mga taga-Pransya ay ang Katoliko na halos 83-88% ng kanilang populasyon ang kasapi, 2% naman ang Protestante, at ang 1% ay "Jewish" ngunit ang populasyon ng Pransya ay nagkakaisa. Ang mga kaugalian ng tao sa Pransya ay ang pagpapahalaga nila sa mga relasyon sa mga kaibigan at pamilya kaya marami rin silang malapit na kaibigan. Ang Pransya rin ay mayaman sa kasaysayan dahil sa mga rebolusyon at mananakop na nangyari sa bansa sa mga nagdaang taon. 



PAGKAIN
     Ang mga pagkain naman ng Pransya ay sikat dahil sa kakaibang lasa ng mga ito. Palaging may tinapay sa bawat oras ng kanilang pagkain, at karaniwan ng makita sa mahaba, o "crusty baguettes," na inuuwi sa kani-kanilang mga bahay. Ang keso ay isa rin sa mga hindi mawawalang sangkap ng mga putahe sa Pransiya. 
  

PANANAMIT
   Ang pananamit ng mga taga-Pransiya sa modernong panahon ay laging nakasunod sa uso, sopistikado at disenteng tignan, ngunit hindi nasobrahan sa dekorasyon. Dahil na rin dito sila ay kilala sa matataas na uri na "Fashion Houses," ang talento ng mga taga-Pransiya sa pananamit ay hindi matatawaran. Ang karaniwang damit nila ay Amerikana, terno, bandana, at berets o bilog at malambot na sumbrero. 



MGA PIYESTA AT PAGDIRIWANG
    Ang araw ng Bastille ay ipanagdiriwang tuwing Hulyo 14, ang araw kung kailan ang Fortress ng Paris ay binagyo ng rebolusyonista upang masimulan ang rebolusyon sa Paris. Ipinagdiriwang naman ang araw ng tagumpay sa Europa kapag Mayo 8 bilang pag-alala sa pagtatapos ng pakikipaglaban sa Europa noong ika-dalawang digmaang pandaigdig. 

PANITIKAN
   Ang panitikang Pranses ay ang panitikan ng Pransiya ay nakasulat sa wikang Pranses, partikular na ng mga mamamayan ng Pransiya, kahit na ang manunulat ay hindi nagmula sa Pransiya. Maaari rin itong tumukoy sa panitikan isinulat ng mga taong naninirahan sa Pransiya na nagsasalita ng tradisyunal na mga wika ng Pransiya kahit na hindi wikang Pranses. May mga bansa ding bukod sa Pransiya na nagsasalita ng Pranses. Kabilang sa mga bansang ito ang Belhika, Suwesya, Canada, Senegal, Alherya, Moroko, at iba pa. Ang panitikang ganito, na isinulat ng mga mamamayan ng mga nabanggit na mga bansa ay tinaguriang panitikang Prankopono. Magmula noong 2006, ang mga manunulat ng Pranses ay nagawaran ng mas maraming mga Premyong Nobel sa Panitikan kaysa mga nobelista, mga makata, at mga tagapagsanaysay ng iba bang mga bansa. Ang Pransiya mismo ay nakahanay bilang una sa talaan ng mga Premyong Nobel sa panitikan ayon sa bansa.

SIKAT NA MANUNULAT AT KANILANG MGA AKDA


     Si Guy de Maupassant ay ipinanganak 5 August 1850 sa Château de Miromesnil (Castle Miromesnil , malapit Dieppe sa Seine- Inférieure (ngayon Seine- Maritime) departamento sa France. Siya ay ang unang anak ni Laure Le Poittevin at Gustave de Maupassant, parehong mula masagana pamilya burges. Siya ang nagsulat ng tanyag na "Ang Kwintas."

    Ito ay tungkol sa babaeng si Mathilde na nagnanais na gumanda para sa isang salu-salong dadaluhan ngunit nabigo sapagkat ang hiniram niyang kwintas ay nawala. Ito ay kanilang pinalitan at umabot sa apa'tnapung libong prangko, tumanda nang mabilis si Mathilde dahil na rin sa pagbabayad sa nawalang kwintas. Isang araw, nakita niya ang kaniyang pinaghiraman at ang babae ay maganda pa rin, kaya sinisi niya rito ang pagpangit niya. Sinabi ng babae na imitasyon lamang ang pinahiram niya kay Mathilde at ito ay nagkakahalaga lamang ng 500 prangko. Umuwi siya at sinabi niya ito sa kaniyang asawa. 


       Marami pang ibang mga bagay ang maibibigay at makikita sa Pransya, ang kanilang tradisyon at kultura ay tunay na makulay kagaya ng kanilang kasuotan. Ang kanilang pagkain ay masasarap, ang pagdiriwang ay masaya. At ang panitikan ay kapupulutan ng aral, napakaraming magandang panitikan at sining ang matatagpuan sa bansang ito, kaya ano pa ang hinihintay mo? Ikaw ay magsaliksik din at iyong tuklasin ang mga tinatagong ganda ng Pransiya. 








Comments

  1. Impressive work! Never been better.

    ReplyDelete
  2. Très bien! Accurate as well.

    ReplyDelete
  3. Maraming salamat sa impormasyon!

    ReplyDelete
  4. Impressive work! Thank you for this informative one.

    ReplyDelete

Post a Comment